Ang Seattle Redistricting Commission ay kasalukuyang nasa proseso ng muling pagguhit ng mga hangganan ng pitong Distrito ng Konseho ng Lungsod ng Seattle.
Sa nakalipas na limang buwan, ang Komisyon ay nag-anyaya o lumahok sa higit sa 50 mga sesyon para sa impormasyon ng komunidad, isang survey sa komunidad at pitong pampublikong talakayan upang mangalap ng puna mula sa publiko tungkol sa proseso ng pagbabago ng distrito at ang potensyal na epekto nito sa mga kapitbahayan.
Ang proseso na ito ay nagresulta sa pagpapatibay ng Komisyon ng isang draft ng mapa ng mga bagong hangganan ng mga Distrito ng Konseho ng Lungsod. Ang mga miyembro ng publiko ay inaanyayahang magsumite ng mga pampublikong komento sa draft na mapa at sa iminungkahing mga hangganan ng distrito nito.
"Sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng Seattle, kami ay nakikibahagi sa muling pagguhit ng mga linya ng pitong distrito ng Konseho ng Lungsod," sabi ni Greg Nickels, ang Pinuno ng Seattle Redistricting Commission. "Kami ng aking mga kapwa komisyoner ay nag-iingat sa pakikinig sa publiko habang aming ginagawa ang aming tungkulin. Ang pagtitibay ng isang draft na mapa ay isang malaking hakbang pasulong sa prosesong iyon."
Ang draft ng mapa ng Komisyon ay nabuo sa isang bukas na pampublikong pagpupulong ng Seattle Redistricting Commission noong Agosto 2 at napagpayuhan ng mga komento ng publiko na isinumite nitong nakalipas na limang buwan. Sinusunod ng mapa ang Charter ng Lungsod at ang mga pamantayang ipinag-utos ng estado gamit ang kadalubhasaan ng sistema ng heograpikong impormasyon (GIS) at ang datos ng 2020 Census upang gumuhit ng mga bagong hangganan at magtatag ng mga distrito na siksik, magkakadikit, at humigit-kumulang magkasing pantay sa populasyon.
Isinasaalang-alang din ng mapa, hanggang sa praktikal, ang mga karagdagang salik tulad ng pagsunod sa mga umiiral na hangganan ng mga distrito, pagkilala sa mga daanan ng tubig at mga heograpikong mga hangganan, at hangga't maaari, pagpapanatili sa kasalukuyang mga komunidad at mga kapitbahayan ng Seattle.
Pampublikong Komento
Magsisimula na ngayon ang talakayan ukol sa huling draft ng mapa at parehong pampublikong komento at pakikilahok ang hinihiling ng Seattle Redistricting Commission. Maaaring suriin ng mga miyembro ng publiko ang huling draft ng mapa at mag-alok ng komento sa https://www.seattle.gov/redistricting/how-to-participate.
Ang itinalagang panahon para sa pampublikong komento ay bukas mula Agosto 3, 2022 hanggang sa petsa na isalansan ang huling plano ng distrito na sa kasalukuyan ay nakatakda sa Nobyembre 8, 2022, at hindi lalampas sa Nobyembre 15, 2022.
Kung nais ninyong makatanggap ng pisikal na kopya ng draft na mapa, mangyaring kontakin si Logan Drummond sa Logan.Drummond@seattle.gov. Maaari rin kayong makahanap ng kopya sa customer service desk sa City Hall ng Seattle, na matatagpuan sa 600 Fourth Avenue.
Maaaring magbigay ng pampublikong komento:
Nang personal sa isa sa nalalabing Pampublikong Talakayan
Pampublikong Talakayan: Setyembre -- petsa at oras hindi pa napagpasyahan (TBD)
Pampublikong Talakayan #3: Oktubre -- petsa at oras hindi pa napagpasyahan (TBD)
Nang personal sa anumang regular na nakaiskedyul na pagpupulong ng Seattle Redistricting Commission. Tingnan ang website ng Seattle Redistricting Commission para sa mga petsa at mga oras.
Sa pagsulat gamit ang form sa pagsusumite ng pampublikong komento ng Seattle Redistricting Commission.
Kung nais ninyo ng karagdagang impormasyon o humiling ng mga serbisyo ng tagapagsalin para sa alinman sa mga pampublikong talakayan, mangyaring makipag-ugnayan kay Elsa Batres-Boni sa Elsa.Batres-Boni@seattle.gov o (206) 256-6198.
Para sa karagdagan impormasyon tungkol sa Komisyon ng Muling Pagdistrito ng Seattle (Seattle Redistricting Commission), bisitahin ang http://www.seattle.gov/redistricting.
(September 2022)
Copyright © 2019 PNW FilAm Chronicle - All Rights Reserved.